> Apostoliko

Apostolikong Kristiyano

Apostoliko Marami ng website para sa Apostolikong pananampalataya ang nakalathala ngayon sa internet, bakit kailangan ko pang magpakahirap para lumikha ng ganitong website? Para sa akin, ang gawaing ito ay hindi mawawalan ng kabuluhan. Nilikha ko ang website na ito hindi para sa sarili kong kapakanan kundi para sa mga Pilipinong Kristiyano na hindi lubusang nauunawaan ang doktrina ng Apostoliko.

Ang Apostolikong pananampalataya o mas kilala sa katawagang "Oneness Pentecostal" ay isa sa mga kinokondenang grupo ng Kristiyanismo, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Para sa mga Trinitarian ito ay isang kulto na gaya daw ng mga Saksi ni Jehova. Hindi ko malaman kung ano ang matibay na batayan nila upang sabihin na ang Apostoliko ay isang kulto nga? Isa sa mga nakikita kong dahilan ng pagbibinyag na ito ay isang kulto, ay ang mga Amerikanong kaanib na nagsitalikod sa pananampalatayang ito na gaya ni Dr. Gregory Boyd, at sa bandang huli ay tinuligsa pa ang pananampalatayang ito. Gayunman, ang Apostolikong pananampalataya ay hindi kulto.

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang kulto? Sa simpleng kahulugan, ito ay sistema ng mga paniniwalang panrelihiyon. Kapag tinaguriang kulto sa Kristiyanismo, ito ay ang mga grupong hindi umaayon sa tradisyunal na paniniwala ng mga apostol at pinatatakbo ng isang tao o kapulungan lamang. Ang mga ito ay mapanganib hindi lamang sa mga walang malay kundi lalo na sa mga mahihinang Kristiyano. Kinukuha nila ang mga tao sa pamamagitan ng mga mahuhusay pananalita at mapandayang argumento. Pagkatapos ay kinokontrol ito ng ilegal at ginagamit sa pansarili nilang hangarin. Tinatawag nila ang sarili nilang mga Kristiyano subalit salungat ang kanilang paniniwala sa tradisyunal na katuruan ng mga apostol: paniniwala tungkol sa Dios, kay Jesucristo, at sa kaligtasan. Ang Apostoliko ay hindi ko nakikitang gayon. Sa katotohanan, kung mayroon mang grupo sa Kristiyanismo na talagang malapit sa Bibliya ito ay ang Apostolikong Kristiyano. Kung sa loob ng dalawampung taon ng paglilingkod ko sa Dios ay may nakita akong higit dito, bakit hindi ko ito iiwan? Mahalaga ang kaligtasan kaya't hindi ko ito pababayaan. Sa ibaba ay nasusulat ang ilang artikulo ng aming paniniwala, ang mga ito ay patuloy na madaragdagan. Kung kayo man ay pinagpala sa mensahe na narito ikinagagalak kong makarinig sa inyo. Ang mga katanungan ay maaari ninyong ipadala sa address o e-mail address na nasa ibaba. Kung kayo man ay may artikulo na sumasang-ayon sa katuruan ng apostoliko at ninanais ninyong mailathala kasama dito ay mangyaring ipadala lamang sa akin.

Inaanyayahan ko kayong bumisita sa aming kapilya sa:

Jesus Christ Is Lord, Apostolic Church
102 Progressive 7 Village, San Nicholas 2, Bacoor, Cavite, Philippines

Libreng Aklat: Ang Walang Hanggang Kaparusahan | Ang Kaluluwa at Kasalanan

Ang Kaisahan ng Dios

Ang Pagkahulog ng Tao.

Ang Tunay na Pagsisisi.

Read the testimony of Sister Sophie and you will be blessed.

A must be read teaching about baptism.

For a deeper understanding click this site.

An Excellent Site To Touch Your Spirit (MP3 Download)

Sumulat sa: P.O. Box 4153 MCPO Makati City Philippines 1281

dspadua@hotmail.com

Paunawa: Hindi responsable ang webmaster sa anomang advertisement ng service provider kung ito man ay nakatisod sa inyo.

Since Sept. 20, 2001, Site Meter says you are visitor

Site Meter