Sa nagdaang kabanata ay naipakita natin ang katotohanang ninanais ng Dios na maigupo ang kagustuhan ng kaluluwa at maipasakop ito sa espiritu. Kaya't sa araw na sumunod ang tao sa Panginoong Jesus, ang tao ay nahahati sa kaniyang sarili: sa pagsunod sa Diyos at sa pagsunod sa sariling kagutuhan.
Pagdating sa usapang pagsunod ay marami ang nawawala sa Panginoon. Marami ang tumatanggap ng may kaligayahan; marami din ang nawawala dahil hindi nagiging maligaya sa pagsunod. Ang ating kaluluwa ay hindi nalulugod sa hinagpis at pagtatwa kundi sa kaligayahan, pagtanggap, pagkilala, at pagbibigay halaga sa kanila.
Upang matugunan ang pangangailangang ito, nilikha ang kursong sikolohiya (psychology) upang lalong mapatatag ang kaluluwa. Ang psychology ay nanggaling sa dalawang salitang Griego na psuche at logia; ang ibig sabihin ng una ay "kaluluwa" at ang ikalawa ay "diskurso" o "pagtalakay". Nangangahulugan na ang psychology ay ang "siyensa ng kaluluwa." Napapaloob sa pag-aaral ng psychology ay ang kaisipan, emosyon, at paguugali ng tao. Hindi dito itinuturo ang espirituwalidad ng pagsunod kay Cristo, dahil wala naman itong maibibigay na kasagutan, sa halip, ito ay sumasalungat pa.
Sa katotohanan, ayaw pang mababanggit sa kursong ito ang tungkol sa pagiging makasalanan ng tao dahil ito'y sumasalungat sa kanilang sariling prinsipyo. Kaya't kung may anomang kabutihan sa sikolohiya, ang pinakakain nito upang lumakas ay ang pagkamakasarili (egotism) ng kaluluwa.
Kauna-unahang pinag-aaralan sa psychology ay ang pagiging mahusay ng tao: kung paano siyang magiging katanggap-tanggap sa iba, kung paano siyang hindi makakaranas ng pagtakwil, at kung paano pang mapapabuti ng tao ang kaniyang sarili sa mata ng lipunan.
Isa sa mga sinabi ng Panginoong Jesus at sinasalungat naman ng sikolohiya ay ito: "At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapwat ang magtiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas" (Mateo 11:22). Ang mga Kristiyano ay hindi katanggap-tanggap sa maraming tao dahil sa kanilang katapatan kay Cristo. Hindi nila magawa ang mga kalayawan na gaya ng ginagawa ng mga nasa sanlibutan.
Ang kaluluwa bilang sarili nating kamalayan ay ayaw masugatan sa mga ganitong bagay. Bagaman ang mga Kristiyano ay hindi na pinapatay ngayon sa pamamagitan ng tabak; pinapatay naman sila sa pamamagitan ng mga paninira ng mga matatalim na dila. Kaya't kung ang Kristiyano'y mahina sa espiritu ay hindi makatatagal.
Sinasabi sa psychology, "Kung lagi kang pinupukol ng mga masasamang usapan at hindi ka tinatanggap na maging kasama, baka may kailangang baguhin sa ugali mo. Para maging katanggap-tanggap ka, alisin mo ang mga bagay na hindi nila matanggap sa iyo." Paano mong aalisin ang nagiging balakid sa pagtanggap nila sa iyo, kung ang hindi nila matanggap ay ang pagsunod mo sa Dios? Aalisin mo ba ito upang matanggap ka lamang ng sanlibutan?
Alalahanin natin ang sinabi ng Bibliya: "Makakalakad baga ang dalawa, liban na sila'y magkasundo?" (Amos 3:3). Hindi maaaring magkasama ang dalawa na may magkasalungat na prinsipyo. Talagang hindi tayo matatanggap ng sanlibutan dahil hindi tayo mga taga-sanlibutan.
Ayon pa rin sa psychology, kailangan na ang tao'y matutong paghusayin ang kaniyang sarili (self-improvement). Hindi daw sila magtataka kung ang isang tao ay patuloy na hindi matanggap ng lipunan kung walang pagaayos sa kaniyang sarili. Kung hindi mo matatanggap ang gawi ng mga taong nasa paligid mo at makibagay sa kanila, asahan mong ikaw ay hindi matatanggap.
Para sa akin, kung mayroon mang tao na napaghusay ang kanilang sarili sa harap ng lipunan ay walang iba kundi ang mga Kristiyano. Sino ba ang mga masunurin sa mga batas na itinatakda? Sino ba ang kakikitaan mo ng tahimik na pamumuhay? Walang ibang tao na naging mahusay na mamamayan at manggagawa mali-ban sa mga Kristiyano.
Ang pagkakaroon ng kaayusan sa sarili ay hindi nila gawa. Ito'y hinubog sa kanila ng Dios. Ang self-improvement na itinuturo ng ay pagiging makasarili lamang. Ito ay pagpapatatag sa kaluluwa. Kapag nagkaroon ng self-improvement ang tao, susunod sa dito ang pagtitiwala sa sarili (self-confidence). Magagawa mong harapin ang sinoman ng walang takot at may tiwala sa sarili. Ang nakikita daw ng mga psychologist kung bakit walang self-improvement at self-confidence ang tao, ay dahil wala siyang pagpapahalaga sa sarili (self-esteem). Kailangan nga kaya ng tao ang mga bagay na ito?
Saan mo mababasa sa Bibliya na ang tao'y kailangang magkaroon ng self-confidence, self-improvement, at self-esteem? Wala, kahit na kumuha pa tayo ng Bible Concordance ay hindi natin makikita ang mga salitang ito. Ang mga ito ay pawang maka-kaluluwa lamang at pawang maka-sarili, at hindi makapagdadala sa tao sa Dios.
Ang payo ng pinaka-matalinong hari na nabuhay sa Israel, "Tumiwala ka sa Panginoon ng boong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan" (Kawikaan 3:5). Maraming bagay tayong mapagtatagumpayan dahil sa pagtitiwala sa sarili; subalit higit na marami ang kabiguan, at sa katotohanan ay napakapait pang mga kabiguan. Ang pagtitiwala sa Dios ay laging nagdadala ng tunay na tagumpay.
Tingnan natin ang nangyari kay Pedro. Bago hinuli ang Panginoong Jesus ay sinabi niya ng boong pagtitiwala, "Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, ako kailan ma'y hindi magdaramdam" (Mateo 26:33). Sa una ay ginawa niya ang sinabi niya: lumaban pa siya sa tao ng dakilang saserdote, sa bandang huli ay isa din siya sa tumakbong kasama ng ibang alagad. Nagkaganoon man si Pedro, hindi pa rin niya hiniwalayan ang Panginoon noong hinuli. Lagi niya Itong sinusundan saan man dalhin. Nang makita niyang Ito'y pinahirapan at sa takot na baka madamay siya sa kahirapang iyon, ipinagkaila niya ang Panginoon ng tatlong beses ng siya'y makilala ng mga tao. Gaanong kapait na kabiguan ang naranasan niya dahil sa labis na tiwala sa sarili.
Hindi ang pagpapahalaga at pagtitiwala sa sariling kakayahan ang nais ng Dios. Ang sabi ng dakilang hari sa Israel, "Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin" (Awit 37:5). Nang matutunan ni Pedro ang magtiwala sa Panginoong Dios, ibang Pedro na ang lumabas sa araw ng Pentecostes. Ang buong tiwala niya sa sarili ay naguhong lahat ng makita niya ang hirap ng Panginoon. Ito ang nais ng Dios na ating matutunan: ang magtiwala sa Kaniya ng lubusan.
Dahil sa masaganang kaalaman ng Dios, hindi natin masayod ang mga kadahilanan ng mga pinagdadaanan natin. Mahirap sa mga taong maka-kaluluwa ang sumunod sa Dios, subalit kapag natutunan nating isuko ito ay ito ang magdadala sa atin sa pagtatagumpay. Kung ano ang karanasan ni Solomon ay magiging karanasan din natin. Ito ang sinabi niya: "Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga aya at lubos na kalooban ng Dios." Sa ganitong paraan natin malala-man ang kalooban ng Dios, sa gayon ay magagawa natin ang mga bagay na nakalulugod sa Kaniyang paningin.
Hindi doon nagtatapos ang payo ni Pablo, sa talatang 3 ay sinabi niya: "...na huwag magisip sa kaniyang sarili ng tutoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawat isa." Huwag nating isipin na tayo ang nakahihigit sa ating mga kapatid sa Panginoon. Huwag nating ikumpara ang ating ginagawa sa ginagawa ng iba. Ang pagmamataas ay gawa pa rin ng kaluluwa.
Marami ang nadadaya ng mga nagsasabing sila'y mga Kristiyano dahil ang sinasamba ay si Cristo. Ang Panginoong Jesus ay nagsabi: "Hindi ang bawat nagsasabi sa akin ng Panginoon, Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit." Hindi natin malalaman ang kalooban ng Dios kung tayo'y namumuhay na maka-sanlibutan, maihahayag lamang ng Dios ang Kaniyang kalooban sa atin sa pamamagitan ng pagbabago ng pagiisip.
Pagdating ng araw ng paghuhukom, ang sabi ng Panginoon, "Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipapahayag ko sa kanila, kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala, magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan" ( Mateo 7:22-23).
Kung gayon, maraming manggagawa at mangangaral ang nagpapakita ng iba't-ibang kababalaghan sa pangalan ng Panginoong Jesus ang hindi papasok sa kaharian ng Dios. Huwag tayong magpadaya sa mga nagpapakita ng mga kababalaghan subalit namumuhay sa pag-mamataas. Maliwanag na ang mga ito ay nabubuhay pa sa laman. Magsilayo tayo sa kanila upang hindi tayo maparamay sa kanilang kapahamakan.